Nakatakdang magbawas ng hanggang sa 35% ng workforce o mga tauhan ng Philippine Airlines (PAL) bago matapos ang taon.
Sa inilabas na pahayag ng PAL, sinabi nito na ang gagawing pagbabawas sa kanilang mga tauhan ay gagawin sa huling quarter ng kasalukuyang taon.
Pagdidiin ng PAL, magiging patas ang kanilang pamunuan at sinigurong ipatutupad ang hakbang alinsunod sa batas.
Mababatid na aabot sa higit 2,000 empleyado ang maaapektuhan ng nakatakdang lay-off.