Magpapadala ang Philippine Airlines (PAL) ng isang eroplano sa Kuwait upang sunduin ang mga distressed Filipino worker.
Handa rin ang PAL na magdagdag ng special flights patungong Kuwait upang tumulong sa repatriation ng iba pang distressed OFW kung kinakailangan.
Apat na sunod na linggo ng nagre-repatriate ang pal ng mga OFW ang PAL sa pamamagitan ng kanilang regular na Kuwait-Manila flights.
Ito’y bilang tugon sa panawagan ni Pangulong Rodrigo Duterte sa mga local airline na tumulong sa pagpapa-uwi ng mga distressed OFW sa gitna ng serye ng mga pagkamatay ng ilang Filipino sa Kuwait.
Bukod sa PAL, tinugunan din ng Cebu Pacific Airlines ang apela ng pangulo.