May handog na libreng antigen testing ang Philippine Airlines (PAL) para sa mga pasaherong uuwi ng General Santos City.
Ayon sa flag carrier, simula bukas, Disyembre 7 ay maaari itong ma-avail sa pamamagitan nang pag-register sa www.balikpinas.ph.
Bukod dito, puwede ring magsadya ang mga pasahero sa testing center ng PAL sa Gate 3 na matatagpuan sa Andrews Avenue sa Pasay City.
Bukas ang testing center mula alas-12:00 ng hating gabi hanggang alas-4:00 ng umaga pero kailangan itong gawin mga dalawa hanggang anim na oras bago ang kanilang flight.