Ipinarating ng PAL Express ang kanilang pakikiramay sa pamilya ng kanilang empleyadong nasawi na si Christine Dacera.
Sa pahayag ng PAL Express, nakikiramay sila sa trahedyang sinapit ni Christine nuong Enero 1 sa isang hotel sa Makati City.
Kasabay nito, kinilala ng pal express ang pagiging respetado at pagiging professional crew member ni Christine na hindi makakalimutan ng mga kaibigan at kasamahan nito sa trabaho.
Hiling din ng PAL Express na makamit ni Christine at ng kaniyang mga naulila sa buhay ang hustisya.