Nagpaalala ang Philippine Airlines (PAL) sa mga pasahero nito na umiiral pa rin ang pagbabawal na magdala ng mga pork products sa domestic flights para mapigilan ang pagkalat ng African Swine Fever (ASF) sa bansa.
Kabilang sa mga domestic flights na may pork ban ang mga sumusunod:
- BACOLOD (BCD)
- BUTUAN (BXU)
- CAGAYAN DE ORO (CGY)
- CATICLAN (MPH)
- DAVAO (DVO)
- DIPOLOG (DPL)
- GENERAL SANTOS (GES)
- ILOILO (ILO)
- KALIBO (KLO)
- PUERTO PRINCESA (PPS)
- ROXAS (RXS)
- TAGBILARAN (TAG)
- ANTIQUE (EUQ)
- ZAMBOANGA (ZAM)
Sinabi naman ng PAL na mananatili ang ban hangga’t hindi sila inaabisuhan ng mga lokal na pamahalaan na alisin ito.