Nagpaalala ang Philippine Airlines (PAL) sa mga manlalakbay na patungo sa ibang bansa matapos unti-unting luwagan ng gobyerno ang air travel restrictions.
Sa abiso ng PAL, lahat ng pasahero na lalabas sa Pilipinas ay kinakailangang magparehistro online sa Passenger Profile and Health Declaration (PPHD), limang araw bago ang flight departure nila.
Ayon sa PAL, hindi na kailangan ng mga manlalakbay na magparehistro pa sa PPHD na patungo sa US ,Canada at Australia pero ang mga papunta naman ng Singapore ay mayroong dagdag na PPHD paper form na dapat ipresenta pagpasok sa paliparan.
Sinabi rin ng PAL na maaaring bistahin o tingnan ng mga pasahero ang mga travel at health requirements ng bansa nilang pupuntahan sa kanilang website.
Ipinabatid din ng PAL, epektibo na sa a-11 ng Nobyembre, 2020 na kailangan nang sumailalim sa COVID-19 RT-PCR testing ang kanilang pasahero sa Philippine Airlines Learning Center (PLC) na matatagpuan sa 540 Padre Faura cor. Adriatico St. Ermita, Manila.
Samantala, para sa mga karagdagan pang impormasyon maaaring bistahin ang kanilang website sa www.philippineairlines.com o kanilang Facebook page na Philippine Airlines o tumawag sa PAL hotline numbers +632-8855-8888 o tollfree 1-800-435-9725 . —panulat ni John Jude Alabado