Nagpaalala naman ang pamunuan ng Philippine Airlines sa kanilang mga pasahero na maagang magtungo sa mga paliparan
Ito’y upang hindi na maranasan pa ang sinapit ng Supermodel na si Karlie Kloss na napagsarhan ng check-in counter sa New York kamakailan
Ayon kay PAL Spokesperson Cielo Villaluna, sumusunod lamang ang kanilang mga kawani sa International Protocol kaya’t mahigpit nila itong ipatutupad
Gayunman, maaari pa rin naman aniyang ire- book ang flight ngunit kinakailangan itong bayaran ang re-booking fee
Magugunitang hindi naitago ni Kloss ang kaniyang pagkadismaya nang makaranas umano siya ng pambabastos mula sa isang kawani ng PAL dahil sa huli na itong dumating sa kaniyang flight mula New York pauwi sa Vancouver, Canada nuong martes
By: Jaymark Dagala