Pasok ang Philippine Airlines (PAL) sa top 10 airlines na pinakaligtas sakyan sa gitna ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) pandemic.
Batay ito sa ipinalabas na barometer ng safe travel na subsidiary ng travel industry advisor at consulting firm na Videc.
Ayon sa safe travel barometer, nakakuha ang PAL ng rating na 4.2 mula sa pinakamataas na 5.0.
Kapantay ng PAL ang China Airlines, Hawaiian Airlines, AiraAsia at Emirates.
Habang nanguna naman sa listahan Lufthansa Airlines na nakakuha ng 4.5 rating, sinundan ng Vistara, Delta Airlines at Allegiant Air na nakakuha naman ng 4. 4 na rating.
Mahigit 150 airlines ang binigyan ng performance rating batay sa ipinatupad na hakbang at hygiene ng mga ito bilang pag-iingat sa COVID-19 sa kani-kanilang pre, actual at post-flight stage.
Ikinalugod naman PAL ang natanggap na pagkilala mula sa isang travel industry advisor at consulting firm.
Ito ay matapos makapasok ang PAL sa tinukoy na 10 airlines na nangunguna bilang pinakaligtas na sakyan sa gitna ng COVID-19 pandemic.
Ayon kay PAL President and Chief Operating Officer Gilbert Santa Maria, nagpapasalamat sila sa hindi nila inaasahang pagkilala.
Aniya, kanilang ikinararangal na binigyan sila ng pagkilala para sa paggawa ng nararapat.
Kasabay nito, tiniyak ni Santa Maria na pananatilihin ng pal ang ipinatutupad nilang pinakamataas na standards para sa klaigtasan at proteksyon sa kalusugan ng kanilang mga kasamahan at mga mananakay na kanilang pinangangalagaan.