Nag-emergency landing sa Davao International Airport ang isang eroplano ng Philippine Airlines kahapon.
Sakay ng PAL flight PR-1814 si Ginang Elenita Binay, maybahay ni Vice President Jejomar Binay.
Ayon kay Southern Mindanao Regional Police Director Chief Superintendent Wendy Rosario, patungong Manila ang eroplano ng bumalik ito sa Davao airport matapos umusok ang cargo area ng nito.
Rumesponde naman ang Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) maging ang medical teams mula sa Davao City Emergency Central 911 ng lumapag ang airbus A321-231 dakong 1:34 ng hapon.
Ligtas naman lahat ng 131 pasahero at crew ng eroplano.
By Mariboy Ysibido