Posibleng magpatupad ng adjustment sa kanilang operasyon ang Philippine Airlines (PAL) sa Caticlan at Kalibo International Airport oras na ipatupad ang pagsasara ng isla ng Boracay.
Tiniyak ni PAL Spokesperson Cielo Villaluna na kanilang aasistihan ang mga pasaherong maaapektuhan ng closure para sa rebooking ng kanilang flights o refund ng kanilang pamasahe.
Nilinaw ni Villaluna na hindi sila tuluyang mag-aalis ng biyahe sa dalawang paliparan dahil mayroon pa namang mga residente at negosyante na bibiyahe sa Kalibo at iba pang bahagi ng Aklan.
Siniguro rin ni Villaluna na maglalabas sila ng abiso sa mga biyahero sa sandaling magkaroon ng pagbabago sa kanilang operasyon bunsod ng closure ng Boracay.
—-