Pansamantalang naantala ang operasyon ng MRT-3, pasado alasdose ng tanghali kanina.
Ito’y makaraang tumalon umano ang isang lalaki na, ayon sa sa MRT ay isang “street vagrant” o isang palaboy, sa riles ng tren sa pagitan ng Buendia at Ayala stations dakong 12:16 p.m. kanina.
UPDATE: As of 12:16 p.m., operasyon ng MRT-3 pansamantalang naantala makaraang tumalon ang isang taong grasa sa riles ng MRT-3 sa pagitan ng Ayala at Buendia Station | via @dotrmrt3 pic.twitter.com/aNoF5w7jC8
— DWIZ Newscenter (@dwiz882) October 15, 2019
Agad naman umanong rumesponde ang mga MRT-3 personnel, medical personnel at pulisya nang mangyari ang insidente.
The matter is now being addressed by concerned MRT-3 personnel, medical personnel, and police authorities,” ayon sa MRT.
UPDATE: Kuhang larawan sa sitwasyon ng taong-grasa na tumalon sa riles ng tren sa pagitan ng Ayala at Buendia Station | via @dotrmrt3 pic.twitter.com/0ZdgIBcKD0
— DWIZ Newscenter (@dwiz882) October 15, 2019
Kasalukuyan na ring inaayos ang galaw ng operasyon ng MRT-3.
Una namang nakatanggap ng ulat ang DWIZ mula sa isang pasahero na nasa bahagi ng Taft Station, na inihinto muna ang operasyon ng MRT-3 dahil sa umano’y “technical problem” ayon sa guard.
TINGNAN: Mga pasahero, naharang sa pagsakay sa MRT-3 Taft Station dahil sa umano’y technical problem ayon sa isang guard; kinukumpirma pa ang naturang insidente | via Krista De Dios pic.twitter.com/5cSVaN1RlB
— DWIZ Newscenter (@dwiz882) October 15, 2019
Samantala, sa ngayon ay biyaheng North Avenue hanggang Shaw Boulevard station (at vice versa) lang ang kasalukuyang operasyon ng MRT-3 matapos ang nangyaring insidente.
UPDATE: Makaraang maantala ang operasyon ng MRT-3 dahil sa naturang insidente, balik-normal na ngayon ang biyahe ng mga tren sa MRT-3 dakong 2:47 p.m..
As of 2:47pm, provisional service now lifted. Back to normal operations. provisional service now lifted. Back to normal operations.” ayon sa MRT-3.