Nangako si Pangulong Rodrigo Duterte na palalayain ang may 60 mga political prisoner bago matapos ang taon.
Ayon sa source, ito mismo ang itinawag ni Pangulong Duterte kay Communist Party of the Philippines (CPP) Founder Jose Maria Sison.
Sa naging pag-uusap, nangako si Duterte na agad na palalayain ang mga political prisoner kung makikipagkasundo ang mga ito na magkaroon ng bilateral ceasefire.
Nais aniyang siguruhing ng Pangulo na hindi magkakaroon ng engkwentro ang gobyerno at mga rebelde ngayong Kapaskuhan.
By Rianne Briones