Hindi kabilang ang palarong pambansa sa mga posibleng makanselang event dahil sa pangambang dulot ng novel coronavirus acute respiratory disease (2019-nCoV ARD).
Ito ang ginawang paglilinaw ng Department of Education (DepEd) matapos ihayag ni Secretary Leonor Briones sa pagdinig ng Senado na kabilang sa mga ipagpapaliban na event ng ahensiya ang palarong pambansa.
Sa isang facebook post, inanunsyo ng DepEd na magpapalabas sila ng memorandum hinggil sa listahan ng mga makakanselang event na ipo-post sa website at social media accounts ng ahensiya.
Iginiit naman ng DepEd na hindi kabilang sa mga kanseladong event ang palarong pambansa dahil opisyal pa itong magsisimula sa mayo.
Ilan naman sa mga isinasagawang national events ng DepEd tuwing Pebrero ang National Science and Technology Fair, National Festival of Talents at National Schools Press Conference.