Aminado ang Malacañang na kailangan nang repasuhin ang paraan ng pagpapatupad ng kampanya ng pamahalaan kontra iligal na droga.
Ito ay kasunod na rin ng sunod-sunod ng insidente ng pagkakapatay sa mga kabataan sa anti-illegal drug at police operations.
Ayon kay Presidential Spokesman Ernesto Abella, hindi maituturing na isolated incidents ang mga nangyaring pagpatay sa mga drug suspects kabilang ang ilang mga kabataan kaya kailangan nang pag-isipang mabuti ang pagbabago sa proseso sa anti-illegal campaign ng pamahalaan.
Gayunman, wala pang ibinibigay na detalye si Abella kung anu-anong pagbabago ang gagawin ng pamahalaan sa giyera kontra droga.
Una nang sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte na hindi niya iniutos ang pagpatay sa mga walang kalaban-laban at mga kabataan.
AR/ DWIZ 882