‘Sala sa init, sala sa lamig.’
Ganito ipinahayag ni Presidential Spokesman Salvador Panelo ang nangyayaring umano’y girian sa pagitan ng mga commuters at Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) kasunod ng mahigpit na pagpapatupad nila ng yellow lane policy sa EDSA.
Ito’y makaraang maglabas ng kaliwa’t kanang hinaing ang mga commuters sa naturang polisiya na ipinatutupad ng MMDA, gayong reklamo rin umano ang inaabot ng MMDA sa tuwing wala silang patakaran o aksyon na ginagawa.
Gayunman, aminado pa rin si Panelo na kailangan ng bansa ng mga karagdagang imprastraktura upang tugunan ang lumalalang kalagayan ng trapiko sa bansa partikular na sa EDSA.
Panelo on strict implementation of yellow lane policy of MMDA: We need infrastructure.
— DWIZ Newscenter (@dwiz882) August 8, 2019
Maging siya mismo aniya ay biktima ng usad-pagong na trapiko sa EDSA.
Panawagan ni Panelo sa mga commuter, mas mahabang pasensya pa ang ilaan sa nararanasang sitwasyon.
Panelo on strict implementation of yellow lane policy of MMDA: We have to ask the commuters to be patient.
— DWIZ Newscenter (@dwiz882) August 8, 2019