Aminado ang Malacañang na mahihirapang makamit ng Pilipinas ang ‘zero’ coronavirus disease 2019 (COVID-19) cases sa bansa gaya ng nangyari sa New Zealand.
Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, kumpara sa New Zealand ay di hamak na malaki ang populasyon ng Pilipinas kahit dito pa lamang sa Metro Manila.
Ani Roque, ang New Zealand ay mayroong land area na kasing laki ng Luzon na mayroong 5-milyong populasyon.
Dahil malaki aniya ang populasyon sa kalakhang Maynila at dikit-dikit na ang mga tao kung kaya’t mabilis na kumalat ang naturang sakit.