Inamin ni Presidential Spokesperson Harry Roque na malaking porsyento pa rin ng mga Pilipino ang nagdadalawang isip na magpaturok ng COVID-19 vaccine.
Ayon kay Roque, ang pangunahing dahilan na kanilang nakikita rito ay ang kanilang pagdududa sa safety at efficacy ng mga bakuna.
Dagdag ng opisyal na ito’y sa kabila ng pagtitiyak ng World Health Organization (WHO) sa kaligtasan nito.
Sa huli, umaasa si Roque na darating din ang araw na aabot na sa 80% ang mga Pilipinong mababakunahan ng COVID-19 vaccine para tuluyan nang mabuksan ang mga negosyo at makaahong muli ang ekonomiya ng bansa.—mula sa ulat ni Jopel Pelenio (Patrol 17)