Inihayag ni Presidential Spokesperson at Presidential Communications Operation Office (PCOO) Secretary Martin Andanar na aminado ang palasyong marami pa ang kailangan nitong gawin para maiangat ang pamumuhay ng mga Pilipino.
Batay sa pinakahuling resulta ng Social Weather Stations survey noong December 2021, bahagyang bumaba ang bilang ng mga Pilipinong nagsasabing sila ay mahirap.
Bagama’t maganda aniya ito, hindi pa rin sapat at dapat pang tutukan ng administrasyong Duterte ang pagbangon ng ekonomiya para makalikha ng mas maraming trabaho.
Samantala, kabilang sa ilang programa ng gobyerno at ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang Pantawid Pamilyang Pilipino Program, Social pension para sa mahihirap na senior citizens, Kapit Bisig Laban sa Kahirapan at iba pa. —sa panulat ni Airiam Sancho