Hindi makikipag-usap kay Communist Party of the Philippines o CPP Founding Chairman Joma Sison at sa mga tagasunod nito ang bubuuing bagong government peace panel.
Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, naniniwala silang hindi na pinakikinggan at wala nang impluwensiya si Sison sa mga rebelde.
Kung pagbabatayan aniya ang ginagawa ng ground forces ng CPP, makikitang hindi na sinusunod ng mga ito si Sison.
Binigyang diin pa ni Panelo, hindi na rin mahalaga kung hindi pabor si Sison sa plano ni Pangulong Rodrigo Duterte na bumuo ng bagong peace panel.
—-