Blangko pa ang Malacañang hinggil sa di umano’y planong pag-uwi sa Pilipinas ni NDF Founding Chairman Jose Maria Sison sa Agosto.
Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, paulit-ulit namang sinasabi ng Pangulong Rodrigo Duterte na dapat dito sa Pilipinas ganapin ang peace talks.
Binigyang diin ni Roque na nananatili ang alok ng Pangulo na sagutin ang lahat ng gastusin sa pag-uwi ni Sison at maging ang mga panangailangan ng New People’s Army sa panahon ng pag-uusap.
Naninindigan rin aniya ang Pangulo sa pagtiyak ng kaligtasan ni Sison habang nasa bansa.
Una rito, sinabi ni NDF Consultant Rey Casambre uuwi sa Agosto si Sison sa kabila ng pagkansela sa peace talks na nakatakda sana sa June 28.
—-