Bukas ang Malakaniyang na makasama si Vice President Leni Robredo kung ito ay magbo-boluntaryo na mapabilang sa mga mauunang magpabakuna ng COVID-19 vaccine ng Sinovac.
Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, siya at ang iba pang opisyal ng gobyerno gaya ni Vaccine Czar Carlito Galvez, Health secretary Francisco Duque III at Defense Secretary Delfin Lorenzana ay handang maunang magpabakuna para lalong makapag bigay ng kumpiyansa sa publiko na tumanggap rin ng COVID-19 vaccine.
Ani roque, wala namang magiging problema kung handa rin si Robredo na gawin ito.
Inaasahang darating sa bansa ang donasyon ng China na Sinovac vaccine ngayong buwan o sa Marso.