Bukas ang Malakanyang sa alok ng Australian government na magpadala ng dalawang (2) military surveillance aircraft para mapabilis ang paglutas sa Marawi Crisis.
Ayon kay Presidential Spokesperson Ernesto Abella, welcome sa pamahalaan ang anumang tulong na magmumula sa ibang bansa basta na-aayon ito sa konstitusyon.
Aniya, nakikipag-ugnayan na ang DND o Department of National Defense sa kanilang Australian counterpart kaugnay ng nasabing suporta.
Una nang nagpaabot ng tulong ang Amerika sa Pilipinas sa pamamagitan ng technical at logistics support para sa nagpapatuloy na bakbakan sa Marawi City.
By Krista De Dios | With Report from Jonathan Andal