Bukas ang Malacañang sa alok na tulong ng Moro National Liberation Front (MNLF) para mailigtas ang mga dinukot sa Samal Island sa Davao del Norte.
Sinabi ni Presidential Communications Secretary Sonny Coloma na anumang tulong ng mga organisasyon o indibidwal sa paglutas sa isang krimen at tinatanggap ng pamahalaan.
Ayon kay Coloma, mainam na matunton ang kinaroroonan ng mga nagsagawa ng krimen at mailigtas ang mga biktima.
Una dito ay inihayag ni MNLF Spokesman Absalom Cerveza na handang tumulong ang kanilang grupo para mahanap at maisalba ang mga kidnap victim kung hihingin ng pamahalaan.
By Ralph Obina | Aileen Taliping (Patrol 23)