Bukas ang Malakanyang sa panukalang bumuo ng Taal Commission na mangangasiwa sa rehabilitasyon ng mga lugar na matinding naapektuhan ng pagputok ng bulkang Taal sa Batangas at Cavite.
Ayon kay Presidential Spokesperson Salvador Panelo, ikukunsidera at pag-aaralan ng pamahalaan ang lahat na inilalatag sa kanilang mga magagandang panukala.
Tiniyak din ni Panelo ang pagpapatupad nito lalu na para sa ikabubuti ng nakararaming Pilipino.
Gayunman, iginiit ni Panelo, nasa pagpapasiya na rin ni Pangulong Rodrigo Duterte kung sisertipikahan nito ang nabanggit na panukala oras na maihain na ito.
Dagdag ni Panelo, nakahanda rin ang tanggapan ng Pangulo na magpalabas ng mga karagdagang pondo para sa mga apektado ng bulkang Taal.