Pansamantalang itinalaga ni Pangulong Rodrigo Duterte bilang caretaker o tagapangalaga sa bansa si Executive Secretary Salvador Medialdea.
Ito’y makaraang bumiyahe ang Pangulo sa Cambodia, Hong Kong at China mula ngayong araw hanggang sa Mayo 17 para dumalo sa iba’t ibang pagpupulong at kumustahin ang mga kababayang naruon.
Subalit may nakatakdang biyahe si Medialdea ngayong araw hanggang sa Mayo 14 kaya’t bumuo ang palasyo ng caretaker committee.
Pamumunuan ang nasabing komite nila Justice Secretary Vitaliano Aguirre, Cabinet Secretary Leoncio Evasco at Undersecretary Jesus Melchor Quitain ng Office of the President.
By: Jaymark Dagala / Aileen Taliping