Nadismaya ang Malakanyang sa pahayag ni Vice President Sara Duterte na may karapatan ang publiko na magalit sa pamahalaan.
Ayon kay Press Officer at Presidential Communications Office Undersecretary Claire Castro, nakalulungkot na sa pangalawang pinakamataas na lider pa mismo ng bansa nanggaling ang tila panghihikayat na magalit laban sa pamahalaan.
Kinuwestiyon ni Usec. Castro kung bakit ngayon lang naglabas ng ganitong pahayag si VP Sara, gayong mas marami aniya ang kontrobersiyang hinarap ang adminstrasyon ng kanyang ama na si dating Pangulong Rodrigo Duterte.
Binigyang-diin ng PCO official na bilang pangalawang pangulo, mas mainam kung hihikayatin nito ang publiko na makipagtulungan sa gobyerno, sa halip na magtanim ng galit. —sa panulat ni John Riz Calata