Kalabisan.
Ito ay ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo ang ginawang paglalarawan ni Rappler Chief Executive Officer Maria Ressa na mas malala pa sa warzone ang sitwasyon ng media sa Pilipinas.
Sinabi ni Panelo na warzone lamang na maituturing ang Pilipinas para sa mga drug personality na nanlalaban sa mga inihahaing warrant of arrest o target ng buy bust operation na naglalagay sa panganib sa buhay ng mga otoridad.
Iginiit ni Panelo na ligtas naman ang mga mamamahayag sa Pilipinas kung saan patunay ang malayang pagko-cover ng local at foreign journalists.
Nakakalabas pa naman aniya ng buhay ang mga mamamahayag pagkatapos ng coverage at nakapagbibigay pa ng magandang balita kahit na ang iba ay sobra-sobra ang pagbabalita.