Tiwala ang Malakaniyang sa dignidad ng mga eksperto sa pamahalaan para pangasiwaan ang pagkakaroon ng bakuna kontra COVID-19.
Ito’y matapos mapaulat ang pagkakasangkot ng kumpanyang Sinovac sa umano’y suhulan sa ibang bansa para mapabilis ang pagproseso ng kanilang mga papeles at magamit agad ang kanilang produkto sa bansang susuplayan nito.
Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, tiwala si Pangulong Rodrigo Duterte na hindi ito mangyayari sa Pilipinas at tiyak na dadaan ang lahat ng manufacturer ng COVID vaccine sa tamang proseso bago mabigyan ng emergency utilization authority.
Kumpiyansa aniya ang Pangulo sa mga vaccine expert maging sa Food and Drugs Administration na magsusuri sa kaligtasan at bisa ng mga bakuna laban sa COVID-19.
Giit ni Roque, safety at efficacy lamang ng bakuna ang magiging batayan ng mga eksperto para maaprubahan ang pagpasok at paggamit nito sa Pilipinas.