Hindi na ikinagulat ng Malakaniyang na makakukuha pa ng magandang komento at pananaw mula sa mga kritiko ang unang isang taon sa puwesto ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Sa harap na rin ito ng pasang-awa at bagsak na gradong ibinigay nila Senador Antonio Trillanes at ang nakakulong na si Senadora Leila de Lima para sa Pangulo.
Ayon kay Presidential Communications Sec. Martin Andnar, hahayaan na lamang ng Palasyo ang mga kritiko nito batay sa kanilang paniniwala sa ngalan ng umiiral na demokrasya.
Mas batid aniya ng mamamayan at nakakikita sa mga ito kung ano ang ginawa ng Pangulo para isulong ang ganap na pagbabago at pagpapatupad ng tunay na reporma sa bansa, taliwas sa mga pahayag nila Trillanes at De Lima.
By: Jaymark Dagala / Aileen Taliping
Palasyo deadma sa mga pahayag nila Sen. Trillanes at Sen. De Lima was last modified: June 30th, 2017 by DWIZ 882