Nananatiling iwas-pusoy ang Malacañang sa panawagang sibakin na sa puwesto si NAIA General Manager Jose Anghel Honrado.
Ito’y kasunod pa rin ng panibagong kaso ng tanim-laglag bala sa NAIA kung saan biktima rito ang mag-asawang senior citizen o nakatatanda.
Sa halip, sinabi ni Presidential Communications Secretary Sonny Coloma, ginagawa ng pamahalaan ang nararapat na mga hakbang upang protektahan ang mga pasahero mula sa masasamang loob at mapagsamantala sa mga paliparan.
Maliban sa ‘talaba’ scandal, umaani rin ng batikos si Honrado dahil sa hindi mabura-burang bansag sa NAIA bilang worst airport sa mundo gayundin ang pagiging inutil umano nito sa paglalagay ng mga CCTV sa paligid ng paliparan.
Sinasabing si Honrado ay tiyuhin umano ni Pangulong Benigno Aquino III.
By Jaymark Dagala