Patay-malisya ang Malacañang sa banat ng mga kritiko na desperado na ang Aquino administration dahil sa hindi maipasa-pasang Bangsamoro Basic Law (BBL) sa nalalabing ilang araw na sesyon ng kamara.
Kasunod ito ng ulat na gagamit ang Palasyo ng “talk at text brigade” para mahikayat ang mga mambabatas na dumalo sa sesyon dahil sa kawalan ng quorum.
Sinabi ni Presidential Communications Secretary Sonny Coloma na patuloy ang ugnayan ng Malacañang sa liderato ng Kamara para maipasa ang mga priority measures tulad ng BBL.
Iginiit ni Coloma na mahalagang maipasa ang BBL para makamit ang pangmatagalang kapayapaan sa Mindanao.
By Meann Tanbio | Aileen Taliping (Patrol 23)