Hindi magpapadala ang pamahalaan sa ano mang pambubuyo na nagpapalaki pa umano sa isyu ng harassment sa Scarborough Shoal ng isang Chinese naval warship laban sa isang liberian ship na Pilipino ang kapitan.
Tiniyak ni Presidental Spokesman Savador Panelo na hindi mahuhulog ang goyerno sa patibong ng mga taong pulitika lamang ang agenda.
Mayroon aniyang prosesong ipinatutupad sa paggamit ng karapatan sa exclusive economic zone at hindi saklaw dito ang kaso ng umano’y harassment kontra sa commercial ship na Green Aura.
Sinabi pa niPpanelo na walang dahilan para mangibabaw ang interes ng estado sa naturang pagkakataon habang wala ring kinalaman ang soberenya ng Pilipinas sa employment contract ng mga Pilipino sa kumpanyang pinaglilingkuran nito. — ulat mula kay Jopel Pelenio (Patrol 17)