Walang plano ang Malacañang na sampahan ng kaso ang Rappler at Inquirer na naglatha ng artikulo ng umano’y pakikialam ni Special Assistant to the President Bong Go sa frigate deal ng Philippine Navy.
Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, hindi rin nila pipilitin ang mga nasabing media outfit na magpalabas ng public apology.
Aniya, napatunayan din sa pagdinig ng Senado kahapon na wala talagang kinalaman si Go sa nasabing proyekto ng Philippine Navy.
Sinabi pa ni Roque, na dapat mag-move on na lamang ang lahat at hayaan ang publikong humusga sa mga pangyayari.
(Ulat ni Jopel Pelenio)