Walang katiyakan kung dadalo si Pangulong Rodrigo Duterte sa ika-100 taong selebrasyon ng kaarawan ni dating Pangulong Ferdinand Marcos.
Ito ang inihayag ng Palasyo kasunod ng inilabas na Proclamation 310 ni Pangulong Duterte na nagdedeklarang Special Non-Working Holiday sa Ilocos Norte upang bigyang daan ang selebrasyon ng kaarawan ng dating Pangulo.
Ayon kay Presidential Spokesman Ernesto Abella, sa kanyang pagkakaalam ay nasa Davao City si Pangulong Duterte sa Lunes at hindi pa siya pupunta ng Metro Manila.
Wala rin aniyang abiso ang Punong Ehekutibo kung pupunta ito sa Batac, Ilocos Norte kung saan nakatira ang mga Marcos.
Umani ng batikos sa mga anti-Marcos group ang naging hakbang ng Malacañang na ideklarang Special Non-Working Holiday sa Ilocos Norte dahil hindi umano dapat na pagtuunan ng pansin ang kapanganakan ng dating diktador na nagpahirap sa maraming Pilipino.
Ulat ni Aileen Taliping
SMW: RPE