Ipagpapatuloy ng Malacañang ang pagkumbinsi sa publiko para suportahan ang BBL o Bangsamoro Basic Law.
Ayon kay Presidential Communications Secretary Sonny Coloma, hindi nila kinukunsidera na dagok o setback sa kanilang timetable ang hindi pagkakapasa ng BBL sa second regular session.
Sinabi ni Coloma na ipagpapatuloy pa rin nila ang pakikipagtulungan sa kongreso para maisabatas ang BBL draft.
Umaasa si Coloma na sa pamamagitan ng patuloy na diyalogo ay maaaring mapag-isa ang mga magkakaibang pananaw sa BBL.
Hindi aniya sila pinaghihinaan ng loob na pag nagbalik ang sesyon ay matatalakay ang BBL at maipapasa ito para magkaroon na rin ng kapayapaan sa Mindanao.
By: Judith Larino | Aileen Taliping (Patrol 23)