Idinipensa ng Malakaniyang ang direktiba ng Pangulong Rodrigo Duterte sa mga pulis na arestuhin ang mga hindi naka-mask sa mga pampublikong lugar.
Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque na kailangang hulihin muna ang violator bago ito patawan ng parusa at ang pag-aresto rito ay hindi pa mismong parusa.
Inalmahan ni Roque ang mga komentong “to harsh” o masyadong malupit ang nasabing direktiba ng pangulo dahil mayruong mga ordinansa hinggil sa minimum health protocols na pinapayagan ang pagdampot o warrantless arrest kapag ang krimen ay ginawa sa harap ng personal na may kaalamang police officer.
Kaugnay nito nagda-draft na ng mga panuntunan ang DOJ para sa pagpapatupad ng naturang kautusan ng Pangulong Duterte.