Idinipensa ng Malakanyang ang pagkakatalaga kay National Task Force against COVID-19 Chief Implementer Carlio Galvez bilang vaccine czar.
Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque logistics at hindi medical challenge ang pagiging vaccine czar.
Kailangan aniya ng managerial skills sa pagbili ng bakuna kontra coronavirus disease 2019 (COVID-19) lalo nat hindi naman sa pilipinas gagawin ang bakuna na aangkatin lamang sa ibang bansa.
Sinabi ni Roque na ang medical issue sa bakuna ay kung ligtas ba ito at ang usaping ito ay kailangang tutukan ng food and drug administration.
Ayon naman kay Galvez na bagama’t wala siyang medical background tiwala siyang magagampanan niya ang bagong tungkulin dahil may koneksyon na siya sa mga pulis at sundalo na una nang inatasan ng Pangulong Duterte na pangasiwaan ang pagbabakuna sakaling dumating na ito sa bansa.