Idinepensa ng Malakanyang ang plano ng Philippine National Police (PNP) na gamitin ang social media para mag-monitor ng mga lumalabag sa umiiral na quarantine protocols sa bansa.
Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, hindi iligal ang pagbabantay ng pulisya sa mga naka-post sa social media lalu na kung ito ay naisapubliko na.
Paliwanag ni Roque, oras na ipinost na sa social media ang isang bagay, nagkakaroon na ito ng waiver of privacy.
Wala aniyang mali kung titignan o sisilipina lamang aniya ng mag pulis ang mga nakapost sa social media.
Dagdag ni Roque, ginagamit na kahit sa mga malalaki at mauunlad na bansa ang technolohiya sa pagpapatupad ng batas.
Magugunitang, hinimok ni Joint Task Force Covid Shield Commander Police Lt. General Guillermo Eleazar ang mga pulis na regular na mag-monitor sa social media ng mga posibleng lumalabag sa quarantine protocols.