Dinepensahan ng Malakanyang ang umano’y pag-ungkat ni Solicitor General (SolGen) Jose Calida sa record ng amnesty grant at mga kaso ni Senador Antonio Trillanes IV.
Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, walang nakakitang mali rito ang Malakanyang dahil ginawa lamang ni Calida ang kaniyang trabaho.
Sinabi ni Roque na may karapatan si Calida na busisiin ang mga naging kaso ni Trillanes kahit wala itong kautasan mula sa Malakanyang.
Una nang sinabi ng Defense Department na si Calida ang nakipag ugnayan sa kanila upang alamin ang estado ng amnestia ni trillanes kung saan natuklasan na walang makitang record ng aplikasyon ng senador.
Ito ang nagbunsod kay Pangulong Rodrigo Duterte na maglabas ng Proclamation No. 572 na nagpapawalang bisa sa amnesty grant ng senador.