Nagdududa ang Malakaniyang sa motibo ni outgoing International Criminal Court o ICC Prosecutor Fatou Bensouda.
Ito’y makaraang ihirit ni Bensouda sa pre-trial chamber na imbestigahan ang reklamong crimes against humanity laban kay Pangulong Rodrigo Duterte kaugnay ng war on drugs.
Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, tila may pinagtatakpang multo si Bensouda mula sa kaniyang mga kalahi sa South Africa.
Aniya, binabatikos si Bensouda ng kaniyang mga kalahi dahil sa pagsasampa nito ng kaso sa kanilang gobyerno at para hindi mapulaan ay nanghihimasok ito sa usapin ng ibang bansa.
Kaya giit ni roque, walang mapapala si Bensouda mula kay Pangulong Rodrigo Duterte hanggang sa matapos ang trermino nito sa 2022.—ulat mula kay Jopel Pelenio