Dumipensa ang Palasyo sa pagpapa-deport ng Pilipinas sa isang European Union Socialist Party official sa Cebu na kritiko ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kampanya kontra droga.
Ito’y makaraang harangin sa Clark International Airport ang diplomat na si Giacomo Filibeck na Secretary General ng partido dahil sa iligal na mga aktibidad nito sa bansa.
Ayon kay Presidential Spokesman harry Roque, may kapangyarihan aniya ang Pilipinas na tanggapin o hindi ang sinumang diplomat na pumunta lalo’t kung wala naman itong opisyal na pakay sa bansa.
Kasunod niyan, binira rin ni Roque ang militanteng grupo na Akbayan dahil sa anito’y walang mabuting sinabi pabor kay Pangulong Rodrigo Duterte.