Dumistansiya ang Malakanyang sa hatol na guilty ng Manila City Regional Trial Court Branch 46 laban kay Rappler CEO at Executive Director Maria Ressa sa kasong cyber libel.
Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, kahit kailan ay hindi nagsampa ng kasong libel si Pangulong Rodrigo Duterte laban sa mga journalist na kritiko nito.
Sa katunayan, sinabi ni Roque na sinuportahan pa mismo ni Pangulong Duterte ang Davao-based journalist na si Alexander Adonis na nahatulan dahil sa kasong libel noong siya ay alkalde pa.
Iginiit ni Roque, sinusuportahan ni Pangulong Duterte ang malayang pamamahayag at pagbulalas ng opinyon.