Dumistansya ang Malacañang sa girian nina Executive Secretary Salvador Medialdea at Special Envoy for Public Diplomacy to China Ramon Tulfo.
Ito’y kaugnay sa paghahain ng libel complaint ni Medialdea laban kay Tulfo hinggil sa May 28, 2019 column nito kung saan inakusahan ng kolumnista ng pagsasabwatan ang tinaguriang “little president” at si Philippine Charity Sweepstakes Office Board Director Sandra Cam.
Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, personal na bagay na umano ito sa pagitan nina Medialdea at Tulfo kaya hindi na sila mamamagitan pa.
Panibagong libel complaint pa ang sinampa ni Medialdea laban kay Tulfo kaugnay naman ng column nito kung saan sinabing iniipit ng office of the executive secretary ang pag-release ng mahigit P200-M reward sa isang tipster na nagbigay ng impormasyon tungkol sa smuggling sa Mariveles, Bataan noong 1997.