Hindi naman makiki-alam ang Malakaniyang sa anumang hakbang ng Department of Justice laban kay Senadora Leila De Lima.
Sagot ito ng palasyo makaraang payagan ni Secretary of Justice Vitaliano Aguirre si De Lima na makalabas ng bansa patungong Amerika at Germany.
Ayon kay Presidential Communications Asst/Sec. Marie Banaag, si Aguirre aniya ang siyang may hawak sa mga reklamong isinampa laban kay De Lima kaya’t ito rin aniya ang may kapasyahan kung kailan ito papayagan at kung kailan hindi.
Kasalukuyang nasa sentro ng kontrobersiya si De Lima matapos madiin ang pangalan nito sa illegal drugs trade sa loob ng New Bilibid Prisons.
By: Jaymark Dagala