Dumistansya ang Malacañang sa mungkahi ni Senador Koko Pimentel na isailalim sa performance audit ang nagbitiw sa gabinete na si Vice President Jejomar Binay maging ang mga pinamunuan nitong ahensya.
Ayon kay Deputy Presidential Spokesperson Abigail Valte, ang performance audit ay isinasagawa sa bawat pagtatapos ng taon sa mga departamento sa ilalim ng executive branch.
Ang General Appropriations Act aniya ay isang paraan upang makita ang performance target ng mga ahensya at tanggapan dahil nasisilip dito ang mga nagagawa mula sa mga pondong natatanggap bawat taon.
Kadalasan ding nagigisa ang mga ahensya sa kanilang mga performance sa tuwing nagkakaroon lamang ng budget deliberations sa kongreso.
By Drew Nacino | Aileen Taliping (Patrol 23)