Dumistansya ang Malacañang sa nabuhay na isyu ng pagpapalit ng liderato sa House of Representatives.
Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, nasa pagpapasya na ng mga miyembro ng Kamara kung papalitan nila si House Speaker Pantaleon Alvarez.
Sinabi ni Roque na kayang makatrabaho ng Pangulong Rodrigo Duterte, sinuman ang maupong House Speaker.
Unang lumutang ang isyu ng pagpapalit ng liderato ng Kamara nang magkaroon ng hindi pagkakaunawaan sina Alvarez at Davao City Mayor Sarah Duterte.
Nabuhay muli ang isyu makaraang palitan si Senador Koko Pimentel bilang Senate President.
Kabilang sa mga pangalang pinalulutang para maging House Speaker sina Congresswoman Gloria Macapagal Arroyo at Congressman Lord Allan Jay Velasco.
—-