Dumistansya ang Palasyo sa napipintong pagpapalit ng liderato sa Senado.
Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, hindi makiki-alam ang Palasyo sa magiging pasiya ng mga senador sa pipiliin ng mga ito bilang susunod nilang lider.
Sinabi pa ni Roque, walang magiging problema kung mananatili si Senate President Koko Pimentel o papalitan ito ni Senate Majority Floor Leader Tito Sotto bilang pinuno ng Senado dahil kapwa kaalyado naman aniya ng administrasyon.
Batay sa umiikot na resolusyon sa Senado, mayorya ng mga senador ang napipisil si Sotto bilang susunod na Senate President.
Posible namang mangyari ang pagpapalit ng liderato ng Senado bago ang State of the Nation Address ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Hulyo.