Dumistansya ang Malacañang sa naging desisyon ng Sandiganbayan na nagbasura sa petisyon ni Senador Jinggoy Estrada para makapagpiyansa kaugnay sa kasong may kinalaman sa pork barrel fund scam.
Ayon kay Presidential Communications Secretary Sonny Coloma, natunghayan din nila ang naging pasya ng Anti-Graft Court sa petisyon ni Estrada.
Gayunman, hintayin na lang aniya ang magiging susunod na aksiyon ng prosekusyon sa usapin dahil nagpapatuloy pa naman ang pagdinig sa korte ukol sa kaso nito.
Sa tatlong senador na nakakulong kaugnay sa pork scam, tanging si Senador Juan Ponce Enrile pa lamang ang napagbigyang makapagpiyansa at makalaya pansamantala mula sa kanyang detensiyon.
By Jelbert Perdez | Aileen Taliping (Patrol 23)