Dumistansya ang Malacañang sa paghahain ni Solicitor General Jose Calida ng quo warranto petiton laban sa ABS-CBN.
Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, hindi nakikialam ang Pangulong Rodrigo Duterte sa trabaho ng mga ahensya ng pamahalaan.
Paniniwala anya ng pangulo, dapat hayaang gumulong ang proseso ng batas kung mayroong kuwestyonable sa ginagawa ng isang tao o kumpanya na tulad ng ABS-CBN.
Matatandaan na ilang beses nang nagbanta ang pangulo na ipasara ang ABS-CBN dahil sa di umano’y pagtanggi ng network na i-ere ang kanyang political ads noong 2016 elections.