Dumistansya ang malakanyang sa ginawang pag – apruba ng House Justice Committee sa Article of Impeachment laban kay Chief Justice Maria Lourdes Sereno.
Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque , nasa hurisdiksyon na ng Kamara ang impeachment case ng punong mahistrado.
Kahapon, pinagtibay ng nabanggit na komite ang Articles of Impeachment sa botong 33 na “yes” at isang “no”
Kasunod nito , idudulog na sa plenaryo ng mababang kapulungan ng kongreso ang committee report ng Articles of Impeachment para pagbotohan ito.
Sakaling makakakuha ng 1/3 na boto ay ipapadala na ito sa senado na tatayong impeachment court.